SC inaprubahan ang mga amyenda sa internal rules nito para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso
Inilabas na ng Korte Suprema ang resolusyon na nag-aapruba sa mga amyenda sa internal rules nito para mapabilis ang pagresolba sa mga kaso.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, layunin ng mga amendments sa internal rules na makatugon ang mga mahistrado sa 24 na buwan na isinasaad sa Saligang Batas para resolbahin ang kaso.
Ilan sa mga inamendyahan sa internal rules ay kaugnay sa operating structures at decision-making process ng Korte Suprema.
Sa nasabing amyenda ay nililimita na ang mga kasong iniaakyat sa Supreme Court En Banc.
Isa rin sa mga amendments ay ang pag-prescribe ng isang buwan para maisumite ng mga justices ang kanilang komento, reflections, at panukala, at pagkatapos nito ay dalawang linggo para pagpasyahan ang kaso.
Moira Encina