SC inatasan ang mga korte na pisikal na sarado na makipagugnayan sa LGUs para sa COVID testing ng mga court staff
Nais ng Korte Suprema na maisailalim sa COVID-19 testing ang mga kawani ng mga korte na pisikal na sarado bunsod ng mataas na kaso ng virus.
Sa panibagong sirkular ng Office of the Court Administrator, inatasan ang executive judges o presiding judges ng mga hukuman na naka-lockdown na makipag-ugnayan sa LGUs para sa antigen o RT-PCR testing ng mga court staff habang sarado ang mga korte.
Ayon sa OCA, ito ay para matiyak na namo-monitor at napapangalagaan ang kalusugan at medical condition ng mga empleyado ng mga korte.
Maaari naman na magpa-COVID test nang sarili ang mga hukom at staff at puwede i-reimburse ang gastos sa OCA.
Kaugnay nito, ipinagutos din sa EJs o PJs na iulat sa OCA ang resulta ng COVID testing partikular ang mga nagpositibo.
Moira Encina