SC inilabas ang guidelines sa court operations para sa mga first- at second-level courts simula ngayong Nob. 8
Inilatag ng Korte Suprema ang mga panuntunan sa mga operasyon ng mga hukuman na nasa iba’t ibang quarantine classifications at alert level systems.
Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez, sinabi na mananatili na pisikal na sarado ang mga first- at second-level courts sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 at 5, granular lockdown, ECQ o MECQ with or without heightened restrictions.
Sa mga nasabing korte, patuloy ang pagsasagawa ng videoconferencing hearings sa lahat ng matters o kaso urgent man o hindi para hindi maantala ang paglilitis at court processes.
Kung kinakailangan na magreport ng pisikal ang mga judge at kawani para sa urgent matters ay dapat hindi lalagpas ang workforce sa 30%.
Ang opisyal na pasok sa trabaho sa mga nabanggit na korte ay mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Ang mga pleadings, mosyon, at iba pang court submissions ay maaaring ihain at isumite sa pamamagitan ng registered mail, private courier, o electronic mail.
Moira Encina