SC ipinanukala ang pagbuo ng pangkalahatang panuntunan sa pagsasagawa ng videoconferencing hearings sa ASEAN
Inirekomenda ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa 10th Council of ASEAN Chief Justices (CACJ) Meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia ang pagbuo ng iisang panuntunan sa videoconferencing hearings sa rehiyon.
Hinimok ni Gesmundo ang CACJ ng pag-adopt sa videoconference hearings sa loob ng ASEAN.
Partikular ng pagkakaroon ng common principles and guidelines sa videoconference hearings para sa mga partido at testigo na nasa labas ng teritoryo ng estado nakabinbin ang aksyon pero nasa loob pa rin ng ASEAN.
Sinabi ni Gesmundo na tataas ang transnational transactions, interactions at legal conflicts sa ASEAN habang ang economic interests, educational pursuits, science and technological advancements, at public health and environmental concerns sa rehiyon ay nagtatagpo.
Dahil dito, naniniwala ang punong mahistrado na mabuti na magkaroon ng CACJ ASEAN protocol sa pagsasagawa ng videocon hearings para na rin sa consistency, efficiency at mutual protection.
Kaugnay nito, itinalaga ng CACJ ang Korte Suprema ng Pilipinas para pangunahan ang bagong likha na Working Group on the Conduct of Videoconferencing Hearings.
Moira Encina