SC Justice Edgardo delos Santos, pormal nang nagretiro sa puwesto
Epektibo ngayong June 30 ang pagreretiro ni Supreme Court Associate Justice Edgardo Delos Santos.
Sa susunod na taon pa dapat ang mandatory retirement ni Delos Santos pero bumaba na ito sa puwesto ngayong 2021 dahil sa lagay ng kanyang kalusugan.
Nagdaos naman ang Korte Suprema ng retirement ceremonies para kay Delos Santos sa En Banc Session Hall.
Bago siya maitalaga sa Supreme Court noong 2019, si Delos Santos ang Executive Justice ng Court of Appeals sa Cebu City.
Nagsimula ang karera ni Delos Santos sa hudikatura bilang court legal researcher habang tinatapos ang kanyang pag-aaral sa University of San Carlos- College of Law.
Nahirang din siya na Presiding Judge ng Municipal Trial Court ng Siaton, Negros Oriental noong 1983 at Municipal Trial Court in Cities Branch 1 ng Dumaguete City noong 1987.
Noong 1993, na-promote si Delos Santos na Presiding Judge ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 45 at noong 2008 ay nahirang siya bilang CA Associate Justice.
Moira Encina