SC Justice Leonen: Bar exams sa Nobyembre, tuloy
Nilinaw ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na tuloy ang bar examinations sa Nobyembre.
Si Leonen ang chairperson ng 2020/2021 Bar Exams.
Sa Twitter account ni Leonen (@marvicleonen), sinabi nito na pekeng impormasyon ang mga tsismis na ipagpapaliban ang bar exams.
Binalaan din ng mahistrado ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Anya kinukuha nila ang screenshots at itinatala ang lahat ng nagri-repost o gumagawa ng maling anunsyo ukol sa pagsusulit.
Sinabi ni Leonen na ang pinanggagalingan ng mga naturang misinformation ay mula sa mga walang pakialam kung papaano ito makakaapekto sa iba.
Ang November 2021 Bar Examinations ay ang kauna-unahang digital bar exams na isasagawa sa ibat-ibang panig ng bansa.
Sinuspinde ang bar exams noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Moira Encina