SC Justice Lucas Bersamin nanguna sa botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema para sa susunod na Chief Justice
Nagbotohan ang mga mahistrado ng Korte Suprema ng mga irerekomenda nito para sa bakanteng posisyon ng Chief Justice.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, nanguna sa internal voting ng SC en banc si Justice Lucas Bersamin na nakakuha ng 10 boto.
Pareho namang nakatanggap ng siyam na boto mula sa mga kapwa nila mahistrado sina Justices Diosdado Peralta at Teresita Leonardo- De Castro habang may dalawang boto naman si Justice Andres Reyes Jr.
Dadalhin at Irerekomenda ni acting Chief Justice Antonio Carpio sa Judicial and Bar Council ang resulta ng SC voting na maaring gawing batayan sa botohan nito sa shortlist.
Bukod sa apat na mahistrado, aplikante rin sa pwesto si Tagum RTC Branch 1 Judge Virginia Tehano
Itinakda ng JBC ang unang deliberasyon nito para sa Chief Justice post sa August 3.
Ulat ni Moira Encina