SC kinatigan ang kapangyarihan ng alkalde na magdisiplina ng mga pasaway na opisyal at kawani nito
Pinagtibay ng Supreme Court ang otoridad ng alkalde na patawan ng disiplina ang mga nagkamali na opisyal at empleyado na nasa hurisdiksiyon nito.
Ito ay makaraang paboran ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Valenzuela City Mayor at ngayo’y Senador Sherwin Gatchalian laban sa ruling ng Civil Service Commission (CSC) at Court of Appeals.
Ang petisyon ni Gatchalian ay nag-ugat sa pagpapawalang-bisa ng CSC at CA sa reklamong sexual harrassment at preventive suspension na ipinataw nito sa kanyang subordinate na isinasangkot sa sexual harrassment sa babaeng OJT.
Binaligtad naman ng SC ang mga nasabing rulings ng CSC at CA at kinatigan ang kaso at pag-suspinde ni Gatchalian laban sa respondent na si Romeo Urrutia na Council Secretariat ng Sangguniang Panlungsod ng
Valenzuela City at Chair ng Board of Directors ng Valenzuela City Employees Cooperative.
Ayon sa SC, alinsunod sa Local Government Code (LGC) at Charter ng Valenzuela City ang pagdisiplina ni Gatchalian sa nasabing empleyado na nasa hurisdiksyon nito.
Sinabi pa ng Korte Suprema na nagkamali ang CA sa pagbasura sa petisyon ni Gatchalian sa dahilan na ang bise-alkalde lang daw ang may sole jurisdiction kay Urrutia at hindi ang alkalde.
Moira Encina