SC muling binuksan ang registration para sa mga volunteer proctors sa Bar exams
Naghahanap ang Korte Suprema ng mga karagdagang volunteers para sa Bar examinations sa darating na Enero at Pebrero.
Ilan sa mga kuwalipikasyon para maging volunteer ay dapat na incumbent judicial employee o kaya ay abogado na nagtatrabaho sa labas ng hudikatura gaya ng mga piskal, public attorneys, at IBP members.
Kinakailangan din na fully-vaccinated ang mga nais na mag-volunteer pagdating ng January 2,2022, at walang kamag-anak hanggang 4th civil degree of affinity sa mga bar examinees.
Maaari nang magrehistro bago o sa Oktubre 29 ang mga interesado na mag-volunteer proctors para sa 2020/2021 Bar Examinations.
Tiniyak ng Korte Suprema na makatatanggap ng allowances kada bar weekend ang mga volunteer.
Bukod dito, bibigyan din sila ng transportation allowance at hazard pay
Sasailalim naman ang mga volunteers sa training sa pamamagitan ng video conferencing sa Nobyembre.
Target ng Supreme Court ang zero- COVID transmission sa local testing centers kaya iti-test kada linggo ang mga bar personnel at volunteers.
Ilan sa mga lugar sa NCR na may available slots para sa volunteers ay sa mga lungsod ng Quezon, Pasay, Taguig, Makati, at Maynila.
Kinakailangan din ng volunteers sa Lipa City, Baguio City, Cebu City, Cagayan de Oro City at iba pang lugar.
Isasagawa ang pagsusulit sa Enero 16, 23, 30 at Pebrero 6,2022 sa iba-‘t ibang testing centers sa buong bansa.
Muling binuksan ang rehistrasyon sa mga volunteers dahil sa pagdami ng projected examinees sa ilang lugar at postponement ng bar exams.
Niliwanag pa ng SC na ang mga volunteer lawyers ay kasama sa exemption para sa isang compliance period sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) na una nang iginawad para sa mga Bar examiners at staff.
Moira Encina