SC muling hinimok ang mga nasa hudikatura na gumamit ng gender-fair language

Pinaalalahanan muli ng Korte Suprema ang mga opisyal at kawani sa hudikatura na gumamit ng gender-fair o non- sexist language sa mga opisyal na dokumento, komunikasyon, at issuances.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Order No. 90- 2021 na inilabas ni Chief Justice Alexander Gesmundo kung saan inulit nito ang direktiba noong 2006 ng Korte Suprema na humihimok sa paggamit ng gender-fair language sa hudikatura.

Ayon sa Supreme Court, may ilan pa ring mga opisyal na dokumento, komunikasyon, at issuances ang hudikatura na gumagamit ng mga sexist language.

Ito ay sa kabila ng mga seminars at modules, at pamamahagi ng manuals at iba pang materyales sa mga opisyal at tauhan ng hukuman na nagsusulong sa paggamit ng gender-fair language.

Ang halimbawa ng sexist language o phrases na tinukoy ng SC ay ang “brotherhood,” “founding father,” at “salesman.”

Kaugnay nito, inatasan ng Korte Suprema ang Philippine Judicial Academy (PhilJA) na mamahagi at ilathala muli ang mga official rules sa paggamit ng gender fair language at mga halimbawa nito.

Noong 2006 ay nag-isyu ang SC ng sirkular sa gender- fair language use bilang suporta sa kampanya ng gobyerno na isama ang women’s concerns sa mga plano o programa nito sa pamamagitan ng pagsusulong sa gender-sensitivity sa burukrasya.

Moira Encina

Please follow and like us: