SC muling nagpatupad ng reorganisasyon sa tatlong dibisyon nito
Muling nireorganisa ang tatlong dibisyon ng Korte Suprema.
Sa special order na pirmado ni Chief Justice Alexander Gesmundo, epektibo sa Pebrero 17 ang reorganisasyon ng Supreme Court First, Second at Third Division.
Kasunod na rin ito ng pagreretiro ni SC Associate Justice Rosmari Carandang noong Enero.
Sa reorganization, inilagay bilang additional member ng SC Third Division si Associate Justice Jose Midas Marquez bukod sa pagiging miyembro ng Second Division.
Ang punong mahistrado pa rin ang chairperson ng SC First Division.
Si Justice Estela Perlas-Bernabe ang pinuno ng Second Division at si Justice Marvic Leonen sa Third Division.
Moira Encina