SC muling nagpatupad ng reorganization sa tatlong division nito
Nire-organisa muli ng Korte Suprema ang tatlong division nito matapos mahirang si bagong Associate Justice Jose Midas Marquez.
Epektibo ngayong Nobyembre 18 ang reorganization alinsunod sa special order na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Si Marquez ay inilagay bilang miyembro ng Supreme Court Third Division.
Ang punong mahistrado pa rin ang chairperson ng SC First Division habang working chair si Justice Alfredo Benjamin Caguioa.
Si Justice Estela Perlas-Bernabe ang pinuno ng Second Division at si Justice Marvic Leonen sa Third Division.
Moira Encina
Please follow and like us: