SC muling pinalawig ang validity ng notarial commissions na nagpaso noong 2020
Pinalawig muli ng anim na buwan ng Korte Suprema ang validity ng notarial commissions na nagpaso noong Disyembre 2020.
Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, pinagtibay nito ang kahilingan ng Integrated Bar of the Philippines, Philippine Bar Association, at Judicial Reform Initiative na i-extend muli ang validity ng notarial commissions na inisyu noong 2019 at orihinal na nagpaso noong December 31, 2020.
Una nang pinalawig ng SC ang bisa ng mga nasabing notarial commissions hanggang June 30,2021.
Dahil sa panibagong extension ay mananatiling may bisa ang mga ito hanggang sa December 31, 2021.
Una nang hiniling ng mga lawyers’ organizations ang extension dahil sa delay at hirap sa pagkuha ng mga documentation requirements bunsod ng travel restrictions at work disruptions dala ng pandemya.
Moira Encina