SC nag-isyu ng TRO laban sa pagbasura ng COMELEC sa substitution ng ex- Isabela congressman
Nakakuha ng TRO mula sa Korte Suprema ang isang dating kongresista sa Isabela laban sa hindi pagpayag ng COMELEC na makatakbo ito bilang alkalde.
Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, pinigil nito ang desisyon ng poll body na nagbabasura sa substitution ni dating Isabela 4th District Representative Giorgidi Aggabao kay dating Mayor Amelita Navarro sa pagkandidato sa mayoralty race.
Inatasan din ng SC ang COMELEC na maghain ng komento sa petisyon nina Aggabao at Navarro sa loob ng 10 araw.
Noong Disyembre, hindi pinagbigyan ng COMELEC ang pag-substitute ni Aggabao kay Navarro bilang opisyal na kandidato ng Partido para sa Demokratikong Reporma para sa halalan sa pagka-mayor sa Santiago City, Isabela.
Una nang sinabi ng COMELEC na tuloy pa rin ang pag-iimprenta ng mga balota sa eleksyon sa kabila ng mga inisyung TROs sa ilang nuisance candidates.
Moira Encina