SC naglabas ng calamity assistance para sa court workers na naapektuhan ng bagyo
Pinagtibay ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang paglalabas ng calamity assistance para sa mga kawani ng hukuman na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa statement ng Supreme Court, nagpaabot ito ng pakikisimpatiya sa lahat ng mga sinalanta ng kalamidad.
Ayon sa SC, patuloy din nitong minomonitor ang lahat ng mga tauhan pati ang mga volunteers sa Bar Examinations.
Inihayag pa ng Korte Suprema na lahat ng mga mahistrado ay nagbigay ng donasyon o tumulong sa relief efforts sa mga biktima.
Pinatay din ng SC ang mga light decorations sa lahat ng mga hukuman sa buong bansa at sa kanilang official residences sa Baguio City hanggang sa maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng Odette.
Sinabi ng SC na nabatid nito na marami sa mga lugar na dinaanan ng bagyo gaya ng Bohol, Siargao, Surigao del Norte, at Dinagat Islands ay wala pa ring kuryente sa holiday season.
Moira Encina