SC nagluluksa sa pagpanaw ni ret. Justice Jose P. Perez
Ipinagluluksa ng Korte Suprema ang pagpanaw ni retired Supreme Court Associate Justice Jose P. Perez.
Si Perez ang itinuturing na kauna-unahang homegrown justice ng Korte Suprema.
Nagsimula siya sa Supreme Court bilang technical assistant noong 1971 makaraang makapagtapos sa UP College of Law at kumuha ng bar exams.
Nagsilbi rin siyang legal assistant sa Office of the Reporter noong 1972, confidential attorney sa tanggapan ni Chief Justice Fred Ruiz Castro noong 1977, supervising attorney sa Office of the Chief Attorney noong 1980, at Deputy Clerk of Court at Chief of the Office of the Reporter noong 1987.
Naging Court Administrator din si Perez noong 2008 at kalaunan ay nahirang na siya bilang associate justice ng Korte Suprema noong 2009.
Nagretiro siya noong December 2016 sa mandatory retirement age na 70 anyos matapos ang 45 taong serbisyo sa hudikatura.
Isa sa mga malalaking kaso na isinulat ni Perez ay ang desisyon sa citizenship case ni Sen. Grace Poe kung saan idineklarang natural-born Filipino ang mga foundling.
Moira Encina