SC, nagpalabas ng panibagong Writ of Amparo vs. Oplan Tokhang

tokhang

Nagpalabas ng panibagong  Writ of Amparo ang Korte Suprema kaugnay ng isa pang kaso ng Oplan Tokhang.

Ito ay may kinalaman sa inihaing petisyon ng isang Christina Macandog Gonzales na namatayan ng asawa matapos ang engkwentro sa mga pulis noong July 5 , 2016.

Kaugnay nito, nagisyu rin ang Korte Suprema ng Temporary Protection Order na nagbabawal sa mga respondent, kasama na ang mga myembro ng Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force, Provincial Special Operating Unit Team ng Rizal Police na makalapit sa bahay at lugar ng trabaho ng petitioner.

Inatasan din ng Supreme Court ang Court of Appeals na magsagawa ng pagdinig at desisyunan ang kaso sa loob ng sampung araw sa oras na ito ay ideklarang submitted for decision.

Ang petitioner ay nagtatago dahil sa takot na siya naman ang sunod na ipapatay.

Respondents sa kaso sina Interior Secretary Ismael Sueño, PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at iba pang mga opisyal ng pulisya.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: