SC nagtalaga ng OIC ng Integrated Bar of the Philippines-Central Luzon
Naglagay ang Korte Suprema ng officer-in-charge (OIC) sa Integrated Bar of the Philippines-Central Luzon (IBP-Central Luzon).
Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, itinalaga si Atty. Maria Imelda Quiambao-Tuazon bilang OIC ng IBP-Central Luzon para pansamantalang gampanan ang mga trabaho ng governor at kumatawan sa Central Luzon Region sa 26th Board of Governors.
Si Atty. Quiambao-Tuazon ay nagsilbing governor ng IBP Central Luzon noong 2013 hanggang 2015.
Nagtalaga ng OIC ang Supreme Court matapos ang sinasabing iligal na kampanya at mga aktibidad sa IBP Central Luzon na umano’y kagagawan ni Atty. Nilo Divina.
Noong Abril ay ipinatigil ng SC ang eleksyon ng mga opisyal ng IBP Central Luzon dahil sa isyu ng illegal campaigning ni Divina na itinanggi ng nasabing abogado.
Moira Encina