SC natanggap na ang appointment papers ni bagong Justice Marquez
Natanggap na ng Korte Suprema ang appointment papers ng Malacañang kay bagong Associate Justice Jose Midas Marquez.
Ito ang kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka.
Sinabi ni Hosaka na itinakda ang panunumpa sa puwesto ni Marquez mamayang 3:00 ng hapon.
Pinalitan ni Marquez sa posisyon si Associate Justice Egardo Delos Santos na nagretiro noong Hunyo.
Sinimulan ni Marquez ang kanyang karera sa SC noong 1991 bilang summer apprentice habang nasa law school pa ito.
Kalaunan ay naging regular law clerk ito ng ilang mahistrado ng SC hanggang sa maging Court Administrator.
Nahirang din si Marquez ang tagapagsalita ng Korte Suprema at chief of staff ng Office of the Chief Justice.
Nagtapos ng kursong Economics si Marquez noong 1987 at Juris Doctor Degree noong 1993 sa parehong Ateneo de Manila University.
Nakapasa sa bar examinations si Marquez noong 1994.
Moira Encina