SC, patuloy ang imbestigasyon sa umano’y ” data breach ” system nito
Patuloy na iimbestigahan ng Korte Suprema ang sinasabing data breach sa sistema nito.
Pero ayon kay Supreme Court Spokesperspon Atty. Camille Ting, sa paunang imbestigasyon ay walang nakitang ebidensiya ng hacking o may nakompromiso na sensitibong legal data.
Bilang precautionary measure, magsasagawa ng panibagong round ang SC ng Vulnerability and Penetration Testing Assessment (VAPT) at inabisuhan ang providers at partners nito na gawin din ito.
Siniguro ng SC sa publiko na binibigyan nito ng prayoridad ang cybersecurity sa harap ng patuloy na pag-digitalize sa court processes.
Sinabi pa ng SC na state-of-the-art ang mga sistema nito at may kapasidad na matunton ang sources ng mga pag-atake.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na krimen ang anumang pagtatangka na i-access o ikompromiso ang mga sistema at paglalabas ng mga sensitibo at pribadong data ng hudikatura.
Moira Encina-Cruz