SC pinagtibay ang pagbasura sa ill-gotten wealth case laban kina dating Pangulong Marcos Sr. at dating FL Imelda Marcos
Kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan na nagbasura sa kaso ng ill-gotten wealth laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dating First Lady Imelda Marcos at sa umano’y cronies o dummies ng mga Marcos.
Sa mahigit 20- pahinang ruling ng Supreme Court First Division, sinabi na kulang ang ebidensya laban sa mga inaakusahan kaya tama ang desisyon ng Sandiganbayan noong 2019 na ibasura ang kaso laban sa respondents.
Ayon sa SC, lumalabas na pawang mga ispekulasyon, insinuations at conjectures lang ang alegasyon dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ang kaso laban sa mga Marcos ay isinampa noong 1987 ng Presidential Commission on Good Governance.
Batay sa PCGG, iligal na kumuha ng pera mula sa National Treasury, Central Bank at iba pang financial institutions ang dating pangulo at ito ay inilipat sa ibang payees para magkamal ng nakaw na yaman.
Pero sa ruling ng Sandiganbayan noong September 2019, sinabi na bigo ang PCGG na patunayan ang akusasyon.
Ayon sa SC, wala itong nakitang pagkakamali sa pasya ng anti-graft court dahil sa insufficiency of evidence.
Moira Encina