SC, pinagtibay ang parusang pagkakulong ng hanggang 20 taon sa akusado sa Lascivious Act
Kinatigan ng Supreme Court Second Division ang hatol na guilty sa akusado sa lascivious conduct sa ilalim ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon sa ruling ng Korte Suprema, nakita nito na malinaw, “candid,” at “categorical” ang testimonya ng 16 anyos na biktima sa ginawa sa kaniya ng akusado na isang lascivious conduct.
Dahil dito, pinagtibay ng SC ang parusang pagkabilanggo ng 14 taon at walong buwan hanggang 20 taon laban sa akusado.
Pinagbabayad din ang akusado ng P150,000 na danyos sa biktima na may 6% per annum na legal interest rate mula sa petsa ng finality ng desisyon hanggang sa makumpleto ang bayad.
Kaugnay nito, inirekomenda naman ng Korte Suprema sa Pangulo sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ) na pag-aralan na pagaanin ang parusa laban sa akusado dahil sa mabigat na sentensya laban dito.
Sinabi ng SC na batid nito ang argumento ng akusado na ang parusa sa kaniya ay “disproportionate” o hindi katimbang ng krimen na ginawa nito at mga sirkumstansiya.
Pero iginiit ng Korte Suprema na gampanin nito na ipatupad ang buong bigat ng batas at ipataw ang nararapat na parusa sa krimen.
Moira Encina