SC pinagtibay ang special leave sa araw ng pagbabakuna ng judiciary workers
May special privileged leave ang mga mahistrado, hukom, at kawani ng mga hukuman na magpapabakuna laban sa COVID-19.
Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez, sinabi na pinagtibay ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang special privileged leave sa araw ng scheduled vaccination ng justices at empleyado ng Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals o lower appellate collegiate courts.
Pinagkalooban din ng special privileged leave ang mga hukom at kawani ng first at second level courts.
Ayon sa OCA, ang special leave ay hindi ibabawas sa existing leave benefits ng mga nabanggit na judiciary workers.
Moira Encina