SC pinagtibay ang writ of amparo bilang remedyo vs. extralegal killings at threats
Kinatigan ng Korte Suprema ang pag-iisyu ng writ of amparo ng Court of Appeals (CA) pabor sa biyuda ng isang biktima ng drug-related extralegal killing na kinasasangkutan ng mga pulis sa Antipolo City.
Sa desisyon ng Supreme Court 2nd Division, sinabi na ang writ of amparo ay protective remedy na layong mabigyan ng judicial relief ang iba’t ibang paglabag at pagbabanta sa buhay, kalayaan, at seguridad.
Kaugnay nito, ibinasura ng SC ang petition for review na inihain ng ilang law enforcers ng Antipolo City laban sa mga ruling ng CA na nagpatibay sa hirit na writ of amparo ni Christina Gonzales.
Ang asawa ni Christina na si Joselito Gonzales ay napaslang sa drug buy bust operation.
Sa mga nakaraan ay naaresto ang mag-asawa dahil sa paggamit at pagbenta ng iligal na droga.
Naghain ng petition for writ of amparo at Temporary Protection Order (TPO) si Christina matapos na may mga kahina- hinalang indibiduwal na dumalo sa libing ng mister at hinahanap si Christina.
Sinabi ng SC na matapos na suriin ang kabuuan ng mga ebidensiya ay napatunayan na may banta sa buhay ni Gng. Gonzales at tama lang ang pag- iisyu ng writ of amparo ng CA.
Ipinunto ng SC na kahit pa nakagawa ng krimen ang respondent ay walang kalayaan na ipagwalang -bahala ng mga petitioner na pulis ang karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad nito.
Moira Encina