SC pinal na ibinasura ang mga apela vs Anti- Terror Law
Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon laban sa Anti- Terrorism Act.
Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc nitong Martes, pinal na ibinasura ng mga mahistrado ang mga apela laban sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa constitutionality ng ATA.
Hindi pinagbigyan ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioners dahil sa kawalan ng substantial issues at arguments
Nanindigan ang mga justices sa mga boto nila sa ruling noong December 7, 2021 na isinulat ni retired Justice at ngayo’y Philippine Judicial Academy Chancellor Rosmari Carandang.
Sa apela ng mga petitioners, hiniling ng mga ito sa SC na rebyuhin at irekonsidera ang ruling nito na pumapabor sa ATA.
Partikular na nais nila na muling pag-aralan ng mga mahistrado ay ang Section 29 ng batas o ang warrantless arrest sa mga suspected terrorists.
Sa desisyon ng SC, tanging dalawang probisyon ng ATA ang idineklarang labag sa Saligang Batas.
Iginiit ng mga petitioners na marami pang bahagi ng batas ang labag sa Konstitusyon.
Naniniwala ang mga petitioners na hindi na kailangan ng ATA para hulihin at sugpuin ang mga terorista af magagamit lang ito para patahimikin at tugisin ang mga kritiko ng gobyerno.
Moira Encina