SC, pinal nang pinagtibay ang ruling na nagpapahintulot na malibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong FM

Pinal nang pinagtibay ng Korte Suprema ang ruling nito noong Nobyembre 2016 na pumapabor sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani.

Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court sa botong 10-5, ang mga motion for reconsideration ng mga petitioner na baligtarin ang desisyon nito na pumapabor sa paglilibing kay Marcos sa LNMB.

Ang desisyon ay isinulat ni  Justice Diosdado Peralta.

Kaugnay nito ibinasura ng Korte Suprema ang mosyon na humihiling na ipahukay ang mga labi ni Marcos sa LNMB.

Idinismiss din ng Supreme Court dahil sa kawalan ng merito ang petisyon na patawan ng indirect contempt ang pamilya Marcos at ilang mga opisyal ng AFP sa pagtuloy sa paglibing sa ng dating Pangulo kahit hindi pa naman pinal ang ruling ng SC.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *