SC Third Division inatasan ang Makati City LGU na bayaran ang mahigit P1.26B tax deficiencies
Pinagbabayad ng Korte Suprema ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng utang sa buwis nito na…
Pinagbabayad ng Korte Suprema ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng utang sa buwis nito na mahigit P1.26 billion na may kasamang interes.
Ito ay matapos na ibasura ng Supreme Court Third Division ang mosyon na inihain ng Makati City laban sa tax assessment ng Bureau of Internal Revenue Region No. 8 noong 2002 ukol sa tax deficiencies ng lungsod.
Sa mahigit 30 -pahinang desisyon, pinagtibay with modification ng SC Third Division ang ruling ng Court of Tax Appeals noong 2011 at 2012.
Kaugnay nito, ipinagutos ng Korte Suprema sa Makati City LGU na bayaran ang BIR ng mga utang sa buwis nito para sa mga taong 1999 hanggang 2001 na nagkakahalaga ng mahigit P1.046 billion at 2002 hanggang 2004 na nagkakahalaga ng mahigit P217.8 million.
Kasama sa pinababayaran ng SC sa lungsod ang interes sa mga nasabing buwis.
Iniutos naman ng Korte Suprema ng BIR na ibawas na ang P400 million at P301.9 million na una nang binayaran ng Makati City.
Moira Encina