SC tumanggi munang magsalita sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno

 

Tikom muna ang bibig ng Korte Suprema sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief Atty. Theodore Te, hihintayin muna nila ang pormal na impeachment case na ihahain sa Kamara.

Sa oras na maisampa ang impeachment ay saka sila magpapalabas ng pahayag sa isyu.

Una nang nagbanta ang abogadong si Larry Gadon na kakasuhan ng impeachment complaint si Sereno dahil sa sinasabing pagbili ng punong mahistrado ng bullet proof  luxury car na nagkakahalaga ng siyam na milyong piso gamit ang pondo ng Korte Suprema.

Maituturing na betrayal of public trust ang pagbili ng nasabing klase ng sasakyan na isang impeachable offense.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *