SC walang inisyung TRO sa canvassing ng boto kay BBM
Tuloy ang canvassing ng boto para kay presumptive president Bongbong Marcos Jr.
Ito ay matapos na hindi magpalabas ang Korte Suprema ng TRO sa petisyon na humihiling na ipatigil ang pagbilang ng Senado at Kamara sa mga boto kay Marcos.
Sa halip ay binigyan ng Supreme Court ang kampo ni Marcos, ang Comelec, at ang Dalawang Kapulungan ng Kongreso ng 15 araw para maghain ng komento sa petisyon.
Naka- recess ang mga SC justices hanggang sa Hunyo 14.
Kung walang TRO ay inaasahang sa susunod na linggo sa pagku-convene ng Senado at Kamara bilang National Board of Canvassers ay walang hadlang para simulan ang canvassing ng mga boto kay BBM.
Una nang hiniling ng ilang petitioners sa SC na kanselahin at ipawalang-bisa ang certificate of candidacy ni Marcos.
Nais din nila na mag-isyu ang SC ng TRO para itigil ang canvassing ng Senado at Kamara ng mga boto kay BBM.
Kung sakali na si Marcos ang makakuha ng pinakamaraming bilang ng boto ay hiniling ng mga petitioners na huwag itong iproklama ng Comelec bilang presidente.
Moira Encina