SCAN Int’l, nagsagawa ng Emergency First Responder Seminar sa Marikina City
Dulot ng sunod-sunod na kalamidad na nararanasan ng mga tao ngayon, napakahalaga na mayroong mga responder na agarang tutulong sa panahon ng sakuna o emergencies.
Kaya naman isa sa napakahalagang dapat matutuhan ng mga responder ay kung ano ang mga tamang pamamaraan sa pagsagip sa mga nire-rescue.
Isa sa mga tumutulong sa pagresponde sa mga naaapektuhang mga mamamayan lalo na sa panahon ng mga kalamidad ay ang ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International, isang organisasyon sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
Dahil dito, ang SCAN Metro Manila East District kung saan kabilang sa kanilang nasasakupan ang mga lungsod ng San Juan, Pasig, Mandaluyong at Marikina ay nagsagawa ng 4-day Emergency First Responder Seminar na dinaluhan ng mga SCAN member mula sa mga nasabing lungsod.
Pinangunahan ni Freddy Manalili Jr, isang EMT Trainer ang nasabing seminar kung paano ang mga tamang pamamaraan sa pagsasagip ng buhay at mga dapat isaalang-alang kapag nasa emergency sites. Kabilang din sa mga itinuro ang actual CPR Grading, Bandaging, Lifting, pag-transport ng mga pasyente at iba pa.
Nagpapasalamat ang mga dumalo sa karagdagang kaalamang ito at laging handa anila silang sumaklolo at rumesponde sa sinumang mga nangangailangan lalo na sa panahon ng mga kalamidad at emergencies.
Matatandaan na sa nagdaang bagyong Ulysses, isa ang lungsod ng Marikina sa malubhang nakaranas ng matinding pagbaha kung saan isa sa mga unang rumesponde at nag-rescue sa mga naapektuhang residente ay mga miyembro ng SCAN.
Shiela Mae Piolino