Schedule ni Pangulong Duterte sa Bataan, kinansela ng Malakanyang dahil sa bagyong Ompong
Hindi na matutuloy ang nakatakdang patungo ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Bataan dahil sa bagyong Ompong.
Batay sa advisory na inilabas ng Malakanyang sa media kinansela ang biyahe ng Pangulo sa Bataan dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Ompong na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Magtutungo sana si Pangulong Duterte sa Lamao point sa Limay, Bataan at sasakay sa barko ng Philippine Navy na BRP- Davao Del Sur para sa test firing ng spike extented range missile na bagong armas na gagamitin ng Philippine Navy.
Kaugnay nito minabuti ng Pangulo na pangunahan na lamang ang briefing sa National Disaster Risk Reduction Management council o NDRRMC headquarters sa Kampo Aguinaldo para matutukan ang pananalasa ng bagyong Ompong na inaasahang tatama sa dulong bahagi ng Northern Luzon.
Ulat ni Vic Somintac