SC,hinimok na maglabas na ng desisyon vs. PUV modernization petition
Hinimok ni Senador Grace Poe ang Korte Suprema na maglabas na ng desisyon sa mga petisyon na kumukwestyon sa Franchise Consolidation at modernisasyon ng mga Public Utility Vehicle.
Sa harap yan ng pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi na palalawigin ang April 30 na itinakdang deadline para sa PUV consolidation.
Ayon kay Poe sa pamamagitan ng ruling ng Supreme Court mabibigyang linaw DOTr at mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng PUV modernization.
Dalawa pa sa mga petisyon ng mga transport groups ang pending sa kataas taasang hukuman kung saan hinihiling. nila na maglabas ng TRO sa kautusan ng LTFRB na pumasada ang mga jeepney na hindi pa kasama sa consolidation.
Pinagsusumite naman ni Poe na Chairman ng Committee on Public Services ang DOTr ng datos sa Senado hinggil sa ginawang dayalogo sa mga transport groups.
Kasama sa nais alamin ng mambabatas ang mga reklamo ng mga tsuper sa loan paRa makabili ng mga bagong PUV units .
Meanne Corvera