School principal arestado sa buy bust operation sa Calbayog City, Samar.

Pinagsanib pwersa ng PDEA 8 at Calbayog CPS-station drug enforcement team ang buy operation sa Brgy. Obrero,  Calbayog City alas 8:30 kagabi.

Nahuli si Arnulfo Abellar alyas Arnold, (47) apatnaput pitong taong gulang, may asawa, school principal ng DEPED Danao 1 Tinambacan district, at nakatira sa Brgy. Obrero ng nasabing syudad.

Ayon sa PDEA ang suspek ay nasa listahan ng high value personality.

Nakuha at narekober sa suspek ang   isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na subject of sale, 2  pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 1 susi ng motorsiklo, 1 pirasong one thousand peso bill subscribed buy bust money, 1 unit na cellphone at 1 rebolber ng kalibre 357.

Samantala, ayon sa PDEA 8 ang nakuhang hinihinalang shabu ay may humigit kumulang sa sampung gramo at may estimated market value na sixty eight thousand pesos.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Calbayog CPS ang suspek at nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ra 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ulat ni Miriam Timan

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *