Science and Technology kiosk sa DTI Negosyo centers, itatayo ng DOST
Magtatayo ang Department of Science and Technology o DOST ng mga S & T nooks at kiosks sa mga negosyo centers ng Department of Trade and Industry o DTI sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan.
Ito ay bahagi ng o kasunduan sa pagitan ng DOST at DTI upang tulungang palakasin ang oportunidad at kakayahan ng mga micro, small, and medium enterprises o MSME’s.
DOST Sec. Fortunato Dela Peña:
“But we also introduced technology even in marketing…so itong aming one store ….is using online for marketing, originally …intended for SME’s beneficiaries but now we are extending it to the beneficiaries of DTI and even the inventors”.
Ayon naman kay DTI Secretary Lopez, tanging ang pagkakaroon ng innovation lamang ang paraan para umunlad.
Nais aniya ng DTI na humubog ng mas maraming maabilidad na negosyante na bukas ang isipan sa mga “innovations” o pagbabago.
DTI Sec. Ramon Lopez:
“Sa larangan ng entrepreneurship, in any entrepreneurship journey definitely that the challenge of many…if you don’t innovate..you evaporate…pagdating sa entrepreneurship, innovation is the only way to grow…if you don’t do that mawawalan ka ng saysay …ng relevance”.
Sinabi pa ni Sec. Dela Peña na ang mga nooks at kiosks ng DOST ay nagtataglay ng mga impormasyon at kaalaman kaugnay sa siyensya at teknolohiya, gayun din ang mga serbisyo ng ahensya.
Isa na rito ang one-store website kung saan naka-display at maaring bumili ng mga produkto ng MSME’s.
Naroon din ang one-expert website kung saan maaring makipag-chat at kumonsulta ang sino man sa mga S & T experts.
Dagdag naman ni Sec. Lopez, dinisenyo ang mga DTI negosyo centers para tulungan ang mga MSME’s sa kanilang problema sa negosyo at alalayan ang mga nais maging negosyante.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa walong daang negosyo centers sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni DOST-STII Director Richard Burgos na maglalaan ng budget ang DTI para bumili ng kagamitan para sa mga nooks, samantalang ang DOST ang siyang bahala sa nilalaman o mga contents ng mga ito.
Ulat ni Belle Surara