Scitech Super Highway, nilikha ng DOST para matulungan ang mga maliliit na negosyante
Binuo ng Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang “Scitech SuperHighway” upang matulungan umunlad ang Micro-Small-to-Medium-Enterprises (MSMEs).
Ginanap ang Memorandum of Agreement signing sa pamamagitan ng Zoom platform at live na i-broadcast sa DOST- Philippine Council on Health Research and Development (PCHRD) Facebook page.
Pinangunahan nina DOST Secretary Fortunato T. Dela Peña, DTI Secretary Ramon M. Lopez at IPOPHL Director General Rowel S. Barba ang paglalagda ng MOA sa pagitan ng tatlong institusyon.
Nilalayon ng proyektong ito na magkaroon ng mas maayos na intellectual property (IP) landscape ang Pilipinas at mahikayat ang mga lokal na kumpanya, lalo na ang mga MSMEs na gumawa ng innovative products.
Binigyang diin ni DOST Sec. Fortunato dela Pena na sa panahon ng pandemya, kritikal ang pagkakaroon ng bago at mas magandang mga produkto at proseso na magpapatatag sa mga kumpanya sa pagharap nila sa New Environment.
Anya sa pamamagitan ng Scitech SuperHighway, matutulungan ang maliliit na kumpanya, kasama ang MSMEs, na umunlad at maging mas matatag.
Ang proyektong ito ay resulta ng pagtutulungan ng ibat’ ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapabilis ng proseso ng IP filing mula sa registration, proteksyon ng IP rights lalo na sa inventions, utility models (UMs), industrial designs (IDs) at trademarks (TMs) na resulta ng DOST-supported researches, studies, at innovations.
Sa pamamagitan nito masusugpo ang IP theft sa lokal na mga kumpanya. Sinabi naman ni DOST Undersecretary for R&D Rowena Cristina L. Guevara sa pamamagitan ng SciTech Superhighway Program, maaasahan na mapapabilis ang proseso ng IP filings upang mapagtibay at mapalakas ang proteksyong naibibigay para sa DOST-supported research and innovations.
Bukod dito, sinabi pa ni Guevarra na Ito ay malaking suporta sa mga Filipino inventors at paraan upang mapangalagaan sila at ang mga pribadong kumpanya.
Magbibigay ng technical advice sa mga policies at requirements ang IPOPHL at sa pagpapabilis ng processing ng applications para sa mas maayos na sistema ang IP protection process.
Ang DOST naman ay ang magi-institutionalize ng isang centralized system para sa filing at monitoring mula sa DOST agencies.
Habang ang DTI naman ang mag-link sa MSMEs sa DOST upang mabigyan ng suporta ang IP assets protection. Sa paggalaw ng tatlong ahensya mabubuo ang “SciTech Superhighway” para sa innovation at development.
Belle Surara