Screening ng mga Filipino na patungo sa Japan, pinaigting
Sinabi ng Bureau of Immigration na pinaigting nila ang screening ng mga Filipino na patungong Japan, kasunod ng anila’y mga ulat ng pinakabagong mga estratehiyang ginagamit ng mga tiwaling recruiter para mambiktima.
Ayon sa kawanihan, inatasan ni Immigration Chief Jaime Morente ang immigration inspectors sa ports of exit na maging mas maingat sa pagbibigay ng clearance sa nga Filipino na ang hawak na visa ay para sa intracompany transferees, short-term visitors, students, at para sa engineer specialists in humanities and international services.
Sinabi ni Morente, na ang nabanggit na mga visa ang ginagamit para sa illegal deployment sa Japan, dahil ang mga may hawak ng ganitong visa ay karaniwang hindi nakakukuha ng sertipiko ng trabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Morente . . . “This emerging trend exposes these travelers to the dangers of trafficking in persons and illegal recruitment, which the BI is mandated to prevent.”
Sinabi naman ni Carlos Capulong, port operations chief ng BI, na inatasan na niya ang lahat ng inspectors na sundin ang direktiba.
Aniya . . . “We have instructed them that if the declared purpose of travel of a passenger is doubtful, the latter should be referred to for secondary inspection to our travel control and enforcement unit.”