Seafaring Industry sa Phl, makakabangon na sa kabila ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic
Sa gitna ng nagpapatuloy pang pandemya dulot ng COVID-19 pandemic, inihayag ni Philippine Overseas Employment Administrator ( POEA ) Bernard Olalia na unti-unti nang nakakabangon ang Seafaring Industry sa bansa.
Katunayan, ayon kay Olalia, noong Agosto hanggang Setyembre ay umabot na sa mahigit 40,000 ang nai-deploy na pinoy seafarers.
Malaki na aniya ang itinaas nito kumpara sa 15,000 deployment ng mga seafarer noong Hulyo.
Ayon kay Olalia, nangangahulugan lang ito na epektibo ang mga ipinatutupad na crew change system kaya nagiging mabilis ang deployment ng mga pinoy crew.
Dagdag pa ni Olalia, may mga panawagan din para maging crew change hub ang Pilipinas mula sa stakeholders.
Madz Moratillo