Sean Penn nasa Ukraine para i-dokumentaryo ang pananakop ng Russia
Sinabi ng Ukrainian president’s office, na nasa Kyiv ang US actor at director na si Sean Penn, para gumawa ng dokumentaryo tungkol sa Russian invasion.
Ang double Oscar-winner ay nakunan ng litrato nang dumalo ito sa isang government press conference sa Kyiv, at makikita ring nakikipag-usap kay Volodymyr Zelensky sa isang video na nakapost sa official Instagram account ng Ukrainian president.
Ayon sa post sa official Facebook page ng Ukrainian presidential office . . . “The director came to Kyiv specifically to record all the events taking place in Ukraine and as a documentary filmmaker to tell the world the truth about Russia’s invasion of our country. Today, Sean Penn is among those who support Ukraine while being in Ukraine. Our country is grateful to him for such a display of courage and honesty. Penn demonstrates the kind of courage that many others, including Western politicians, lack.”
Pahayag pa ng presidential office . . . “Penn, who previously visited Ukraine and met with military staff in November, spoke with journalists and soldiers and saw how we defend our country.”
Ang ginagawang dokumentaryo ng 61-anyos na aktor na bumida sa “Milk” at “Mystic River” ay para sa Vice Studios.
Hindi naman agad nagbigay ng komento ang Vice o ang mga kinatawan ni Penn tungkol dito.
Ang pagbisita ng aktor ay sa panahong nagsimula nang atakihin ng Russia ang Ukraine, na ang mga labanan ay umabot sa labas ng Kyiv, at ang mga missiles at shells ay nagsimula nang umulan sa maraming siyudad sa Ukraine.
Si Penn ay una nang naging kontrobersiyal bilang resulta ng kaniyang pagpasok sa pulitika at kasalukuyang mga usapin, laluna makaraan ang ginawa nilang panayam ng Mexican-American actress na si Kate del Castillo sa Mexican drug lord na si Joaquin “El Cgapo” Guzman noong ito ay nagtatago sa batas.
Noong 2018, si Penn ay napaulat na nagtungo sa Turkey para gawin ang hindi pa rin naipalalabas na dokumentaryo tungkol sa pagpaslang sa Saudi journalist na si Jamal Khashoggi sa kingdom consulate.