Search and rescue ops sa Basilan nagpapatuloy
Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa mga nawawalang pasahero ng nasunog na M/V LADY MARY JOY 3 Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad sa Basilan.
Patuloy namang umaasa ang pamilya ng mga nawawalang pasahero na matatagpuan pa rin ang kanilang mga kaanak.
Samantala nasa 230 lamang ang naka pirma sa manifesto bago umalis ang barko sa Zamboanga City nitong Miyerkules ng gabi.
Pero kung susumahin ang bilang ng mga nasawi, na-rescue at nawawala, hinala ng mga owtoridad na posibleng nag-overload ang barko.
Sinabi ni Richard Falcatan, spokesman ng Basilan Provincial Government, gagastusan ng Basilan LGU ang paghahatid sa mga bangkay papunta sa Jolo ngayong Huwebes ng gabi.
Samantala, ang mga nasa ospital naman ay tutulungan hanggang sa makarecover sa sinapit na trahedya sa karagatan.
Bukod sa apat na bangkay na nasa punerarya sa Zamboanga City, nasa magkakahiwalay na ospital naman sa lungsod ang dalawampung survivors.
Ely Dumaboc