Seasonal Disease dapat ding pag ingatan ayon sa DOH
Wala man kalamidad, ang banta ng mga sakit ay nandiyan lamang taun taon.
Ang ilang sa mga ito ay seasonal disease kung tawagin o lumalaganap depende sa panahon.
Kapag tag ulan, Cholera ang madalas maranasan.
Ito ay isang gastro intestinal disease o karamdaman sa tiyan at bituka na karaniwang nakukuha sa maruming pagkain at inumin.
Isa pa ang Typhoid Fever na nagdudulot ng Diarreah na may kasamang pamamantal .
Nakukuha rin ito sa kontaminadong pagkain at inumin.
Kapag tag init , ang sakit naman na madalas dumapo sa tao ay Dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan, kasabay nito ang pagkawala ng protina at mineral na maaaring magdulot ng panghihina ng katawan at kung hindi maagapan ay maaaring ma-dehydrate at mawalan ng malay.
Dapat ding ingatan ang pagkakaroon ng heat stroke.
Ulat ni :Anabelle Surara