Sec. Aguirre ayaw munang magsalita kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya sa Ombudsman

Tikom muna ang bibig ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa isinampang reklamo laban sa kanya sa Office of the Ombudsman ng mga grupo ng mga kabataan dahil sa anila’y pagkakalat nito mga pekeng balita.

Sinabi ng  kalihim na kailangan muna niyang basahin ang inihaing reklamo laban sa kanya bago siya magbigay ng pahayag.

Batay sa mga complainant na Millenials Against Dictators at Akbayan youth, lumabag si Aguirre sa Republic Act 6714 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa publiko.

Ayon sa grupo, hindi dapat hinahayaan ang pagpapakalat ng mga fake news lalo na kung nagmumula ito sa mga opisyal ng gobyerno.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *