Sec. Aguirre binalewala lang ang kasong isinampa sa kanya ni Sen. de Lima sa Ombudsman
Binalewala lang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang isinampang reklamo laban sa kanya ni Senador Leila de Lima sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Aguirre, walang basehan ang reklamong gross negligence at incompetence na isinampa laban sa kanya ng Senadora.
Iginiit ng kalihim na handa niyang harapin ang kaso laban sa kanya dahil noon pa man ay transparent siya.
Pinayuhan naman ni Aguirre si de Lima na ituon na lamang nito ang atensyon kung papaano maipapanalo ang kaso laban dito na illegal drug trading.
Nais ni de Lima na matanggal sa pwesto si Aguirre dahil sa kabiguan nito na imbestigahan ang Extra Judicial Killings, ang bribery scandal sa Bureau of Immigration at ang pamemeke ng ebidensya laban sa kanya.
Ulat ni : Moira Encina