Sec. Aguirre binuweltahan ni Sen. Trillanes dahil sa umano’y harboring of criminals

trill

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Muling binanatan ni Senador Antonio Trillanes IV si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa direktiba nitong imbestigahan ang mga taong nagtago at tumulong sa pag-alis ng bansa niretired PO3 Arturo Lascañas.

Ayon kay Trillanes, kung mayroon mang sangkot sa krimen ng harboring a criminal ito ay mismong ang kalihim.

Itoy dahil pinagtatakpan nito at hindi iniimbestiagahan ang kaniyang boss  na si Pangulong Rodrigo Duterte ang itinuturing na mastermind at mass murderer.

Kung meron din aniyang taong sangkot sa obstruction of justice, ito aniya ay ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kongreso dahil sa minadaling impeachment at pag terminate sa Senate investigations.

Idinagdag pa ni Trillanes na tila nakalimutan ng kalihim na nakaalis ng bansa si Lascañas nang legal at dumaan ito sa counter ng Bureau of Immigration na nasa ilalim ng DOJ.

Kinuwestyon din ng Senador kung nakatitiyak ba ang kalihim na hindi pa itinuturing na refugee si Lascañas kasunod ng atas ni Aguirre sa NBI na makipag ugnayan sa Interpol para maaresto ang self confessed member ng Davao Death Squad.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *