Sec. Aguirre may kontra hamon kay Sen. Hontiveros sa isyu ng pagpatay kay Kian delos Santos

May kontra-hamon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Senadora Risa Hontiveros na pinag-iinhibit siya sa kaso ng pagkamatay ni Kian delos Santos.

Ayon kay Aguirre, walang problema na mag-inhibit siya sa kaso ng nasabing binatilyo na namatay sa kamay ng mga pulis sa anti illegal drug operations sa Caloocan City.

Pero nanawagan si Aguirre kay Hontiveros na mag-inhibit din ito sa imbestigasyon ng Senado sa kaso ni Kian at sa iba pang isyu na kwestyunable ang kanyang pagiging patas.

Tahasan pang sinabi ng kalihim na bira nang bira ang Senadora pero kulang naman ang kaalaman sa proseso ng pagdinig ng reklamo sa DOJ.

Aniya dapat munang alamin ni Hontiveros ang paraan ng preliminary investigation sa reklamong inihahain sa DOJ.

Ang mga kasong inihahain sa DOJ ay hahawakan ng mga piskal mula sa National Prosecution Service na  magsasagawa ng pagdinig sa reklamo at magdedesisyon kung may probable cause para isampa ang reklamo sa Korte.

Nakakarating lamang sa tanggapan ng kalihim ng DOJang isang reklamo kung may naghain na ng apela laban sa resolusyon ng piskalya.

Kaugnay nito inihayag din ni PAO Chief Persida Acosta na hindi naman kasama si Aguirre sa mga hahawak ng preliminary investigation sa kaso ni Kian kaya hindi nito kailangang mag-inhibit.
Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *