Sec. Aguirre, sang-ayon sa obserbasyon ni Sen. Gordon na pinalalaki ng Opposition Senators ang isyu sa BOC
Naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sobra-sobra na ang nabunyag sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagkakapuslit ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu mula sa China.
Ito ay sa harap ng pagdawit ng oposisyon sa pangalan nina Presidential son Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao Mayor Sara Duterte sa tara system sa Bureau of Customs.
Sang-0ayon si Aguirre kay Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na pinalalaki na ang isyu.
Pinalulutang at tila inililihis na aniya ng mga opposition Senators na family affair ang nagaganap sa BOC.
Una nang sinampahan ng reklamong importation of dangerous drugs sa DOJ ang siyam na indibidwal na sangkot sa shabu shipment.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Kenneth Dong na tumayong middleman at private customs broker na si Mark Taguba.
Ulat ni: Moira Encina