Secretary Aguirre tama lang daw na sinibak – ayon sa mga Senador

Huli man daw ang pagbibitiw, iginiit ni Senador Risa Hontiveros na tama lang ang kinahinatnan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sinabi ni Hontiveros na malaking pinsala na ang nagawa ni Aguirre sa halos dalawang taon nitong pamumuno sa Department of Justice o DOJ.

Ginamit ni Aguirre ang Justice Department para sa gumawa at magpakalat ng mga fake news, para mang-harass ng mga taga-oposisyon sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga pekeng kaso at mangunsinti ng mga drug lords, mandarambong at mga high profile criminals.

Marami na rin aniya itong ginawang kapalpakan kabilang na ang pag- abswelto sa mga may pakana sa nangyaring money laundering sa Bangladesh, pag-abswelto sa Drug lord si Kerwin Espinosa at Peter Lim at ang pagkuha ng state witness sa Pork Barrel Queen na si Janet Lim Napoles.

Ikinatuwa naman ni Senador Bam Aquino ang pagbibitiw ni Aguirre dahil ang kailangan aniya ng bansa ay Justice secretary na may kredibilidad, respetado at may integridad para maibalik ang kumpiyansa sa sistema ng hustisya.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *