Secretary Manny Piñol, pinatatahimik ng oposisyon sa pananakot sa isyu ng suplay ng NFA rice
Pinabulaanan ng liderato ng Senado ang babala ni Agriculture secretary Manny Piñol na mawawala ang murang bigas sa merkado oras na maging batas ang Rice Tarrification Bill.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, tinatakot lang ni Piñol ang publiko.
Katunayan, sinabi ni Sotto na bababa pa nga ang presyo ng commercial rice oras na ma-liberalize ang importasyon ng bigas.
Sa pag-aaral aniya ng Committee on Agriculture, maaaring bumagsak ng kuatro hanggang siete pesos ang kada kilo ng commercial rice.
Kung bababa ang presyo ng commercial rice, nangangahulugan ito na bababa rin ang presyo ng mga inaangkat na bigas gaya ng NFA.
Naniniwala rin si Sotto na maiiwasan na ang hoarding ng bigas tulad ng ginagawa ng ilang tiwaling negosyante dahil bibigyan ng tulong ang mga magsasaka kaya mas mapapataas pa ang produksyon ng bigas.
Ulat ni Meanne Corvera