Secretary Martin Andanar pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte sa pagkakasangkot sa paid advertisement ng Department of Tourism

Pinaiimbestigahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communications Secretary Martin Andanar sa posibleng pagkakasangkot nito sa 60 milllion pesos advertisement na inilaan ng Department of Tourism sa programa ni Ben Tulfo, kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo-Tulfo.

Sa isang text message, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, nais ng Pangulo na malaman ang katotohanan  hinggil sa inilabas na report ng Commission on Audit o COA.

Lumiltaw sa report ng COA na walang nilagdaang kontrata o anumang memorandum of agreement ang Peoples Television Network Incorporated  o PTV-4 at Tulfo’s Bitag media unlimited sa DOT para i-ere ang advertisement nito.

Ang PTV ay nasa ilalim ng pamumuno ng Presidential Communications Operations office o PCOO kung saan pinuno si andanar.

Hndi idinetalye ni Bong Go ang posibleng pagkakadawit ni Andanar pero iniimbestigahan na aniya ang isyu.

Wala pa namang pahayag si Andanar sa nasabing usapin.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *