Security at Traffic plan para sa SONA ng Pangulo, inilalatag na ng MMDA
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Sa katunayan, sinabi ni MMDA Special Operations Task Force chief Bong Nebrija, ngayong araw ay magsasagawa muli sila ng SONA conference kasama ang Quezon City Police District (QCPD) at ang inter-agency committee meeting kasama naman ang joint Task Force-NCR.
Dito inilalatag ang security at traffic management plan para sa mahalagang okasyon.
“As part of security at trafffic management plan, on-going ang coordination namin with NCRPO, QCPD, JTF-NCR, and other agencies concerned para sa seguridad, traffic lay-out na gagawin namin para sa Pangulo”.