Security ng Senado na ibinigay kay Sen. de Lima tinanggal na
Kinumpirma ni Senate President Aquilino Pimentel na tinanggal na ang mga tauhan ng Senate Sgt at Arms na nagbabantay kay Senadora Leila de Lima sa PNP Custodial Center.
Ayon kay Pimentel, mula nang makulong si de Lima, nagpapadala sila ng dalawang tauhan mula sa OSAA pero hindi nila nagagawa ang trabaho dahil limampung metro ang layo nila.
Iginagalang aniya ng Senado ang patakaran ng PNP na may kontrol sa Custodial Center.
Plano ni Pimentel na dalawin si de Lima para personal na makita ang sitwasyon nito.
Tiniyak naman ni Pimentel na tuloy ang trabaho ni de Lima sa Senado kahit nakakulong ito.
Katunayan nakapaghain pa aniya ito ng mga resolusyon at panukala sa tulong ng kaniyang mga staff.
Ulat ni: Mean Corvera